Sumali ako sa isang kilusan,
Duon ko nakita si superman.
Simpleng kasama lang ang
aming turingan,
Di ko namalayang nahulog ang
aking kalooban.
Nababaliw na yata kakaisip
sa kanya,
Pati paniniwala ko naapektuhan
na nya.
Natatakot namang sabihin sa kanya,
Dahil baka pagtawanan lang nya.
Kailan kaya darating panahong
aking inaasam,
Makasabay sa pag-lipad
ang aking superman.
*unang isinulat 12/24/99
-sa bahay ni blue
Thursday, November 12, 2009
kay sarap paanod
sa alon nhg dagat,
At duo'y magpakalunod
kasama ng malalaking isda.
Habanng may mga isdang,
pipi't bingi sa katotohanan.
Kailan kaya muling
dadaong sa dalampasigan
At duon ay maki-isa,
sa pakikipaglaban,
Kasama ng panalanging,
Huwag nang magbalik,
sa maitim at maruming laragatan.
*unang isinulat 3/25/99
sa alon nhg dagat,
At duo'y magpakalunod
kasama ng malalaking isda.
Habanng may mga isdang,
pipi't bingi sa katotohanan.
Kailan kaya muling
dadaong sa dalampasigan
At duon ay maki-isa,
sa pakikipaglaban,
Kasama ng panalanging,
Huwag nang magbalik,
sa maitim at maruming laragatan.
*unang isinulat 3/25/99
Friday, September 18, 2009
Rape
Sinabi mong langit ang pupuntahan,
'yun pala'y impiyerno ang mararanasan.
Eliganteng hotel, iyong pinagdalhan,
Kung saan ako'y iyong hinubaran.
Hinawakan mo'ng aking kabukiran,
Pinagsawaan mo'ng aking kabundukan.
At matapos mong gawin, lahat ng iyong naisin,
Iniwan mo akong nangangapa sa dilim.
At ngayon ika'y nagbabalik sa akin,
Dala mong pangako'y umaapoy na langit,
At dahil katawa'y may bahid pa ng sakit,
Hindi nagawang hadlangan ang 'yong nais.
Gapos na matagal mo nang inilagay,
Ngayo'y pinahihigpit pang pilit,
Upang kalayaa'y di na mabawi,
Sa kuko mong ubod ng tulis.
*unang isinulat 6/6/99 panahon ng ratipikasyon ng vfa(visiting forces agreement)
'yun pala'y impiyerno ang mararanasan.
Eliganteng hotel, iyong pinagdalhan,
Kung saan ako'y iyong hinubaran.
Hinawakan mo'ng aking kabukiran,
Pinagsawaan mo'ng aking kabundukan.
At matapos mong gawin, lahat ng iyong naisin,
Iniwan mo akong nangangapa sa dilim.
At ngayon ika'y nagbabalik sa akin,
Dala mong pangako'y umaapoy na langit,
At dahil katawa'y may bahid pa ng sakit,
Hindi nagawang hadlangan ang 'yong nais.
Gapos na matagal mo nang inilagay,
Ngayo'y pinahihigpit pang pilit,
Upang kalayaa'y di na mabawi,
Sa kuko mong ubod ng tulis.
*unang isinulat 6/6/99 panahon ng ratipikasyon ng vfa(visiting forces agreement)
Tuesday, September 15, 2009
huling tatlumpung araw
Anong magiging reaksyon mo kung pagkatapos ng lahat ng laboratory exams mo sasabihin ng doktor mo...
" Mam, you only have 1 month to live, ginawa na po namin lahat ng magagawa namin pero hanggang dun na lang po talaga"
Matatawa ka ba? matutulala? Iiyak hanggang sa hikain ka at hindi na abutan ng isang buwan...?
Pero ang ending ... lalabas ka ng ospital at hindi mo alam kung anong dapat maramdaman mo...
"BATA pa ko!, HINDI PA PWEDE!!!"
"Sino ba sya para sabihing mamamatay na ko?"
"Sino ba ko para sabihing hindi pa pwede?"
"Mabait naman ako ha, mabuting tao?!"
"Marami pa kong gustong maranasan....
"tulad ng ano?"
"ewan ko.... buong buhay ko eskwelahan - bahay, trabaho-bahay,siguro yung kakaiba naman....
tulad ng DROGA? , ALCOHOL?, YOSI?, WILD SEX? ....
"Siguro nga kung isang buwan na lang ako mabubuhay ito ang masarap subukan , ito ang masarap gawin.... lahat ng bawal.... lahat ng mali.... di ba nga kung ano yung bawal yun ang masarap!?!..... drugs...yosi...alcohol...lahat ng klase iba iba araw-raw .... sex??? sige GO na rin, kahit sino basta game...."
at pagkatapos ng tatlumpung araw?
"ANO???"
" ano pa edi mamamatay na ko... tapos?"
"Tapos haharap ako sa anak ng dakilang lumikha ( kung totoo man sya) at ito ang sasabihin ko sa kanya...
"Tol, ipinagpapasalamat ko sayo ang huling tatlumpung araw ko sa lupa, dahil kung hindi sayo... kung hindi sa pagpapakasakit mo sa lupa ... sa pagpapapako mo sa krus na naging dahilan sa pagtubos mo sa lahat ng kasalanan, wala ako dito.... tol, salamat talaga!"
"Ano kaya isasagot nya sakin?"
"Siguro....."
"TANGINA MO!!!"
;)
Subscribe to:
Posts (Atom)