Dalawa ang dahilan kung bakit ikaw ang nasisisi o kung bakit ka nagsisisi ... una, dahil sa mga bagay na ginawa mo at pangalawa dahil sa mga bagay na hindi mo ginawa...
Hindi ako normal isa akong abnormal na walang magawa ... minsan may isang taong nagsabi sakin, sana daw isa na sya sa tauhan sa susunod na gagawa ako ng kwento sumagot ako ng ayoko kasi kung ilalagay kita sa kwento ng mga alaala ko ibig sabihin bahagi ka na lang ng mga kwento sa loob ng bus, ayoko kasi ang gusto ko isakay ka sa sarili kong sasakyan at maglakbay ng walang hanggan.
Hindi ko alam kung bakit pero pigilan ko man kusang lumalabas ang mga salita at kusang tumitipa ang mga letra, wala na kong magawa, kaya panonoorin ko na lang kung paano mabubuo ang isang bagay na walang siguradong simula at lalong walang kasiguraduhan ang katapusan... pero teka muna ... ang totoo ayoko tapusin.
Tuesday, March 17, 2015
Oras
Oras daw ang pinakamagandang regalong pwede mong ibigay, kasi ito ang parte ng buhay mo na hinding hindi mo na maibabalik. Kapag naibigay mo na ito hindi na yun pwedeng bawiin ng kahit sino, kahit gaano mo man ito gustong ibalik wala ng magagawa.
Iba't iba ang pagtrato ng bawat isa sa oras, meron gustong pabagalin, meron gustong pabilisin! ... Siguro kung ikaw ang nakikinig sa mga hiling nila malilito ka sa kung sino ang pagbibigyan!
Ako, hindi ko alam kung gusto ko bang pabagalin o pabilisin ang oras... Minsan gusto kong pabagalin para mas makasama pa kita ng matagal... Minsan gusto kong pabilis para matapos na ang paghihintay...
Parang malakas na bagyo na alam mong paparating, minsan sasabihin mo "wait lang 'wag muna!", yung iba naman "sige ibuhos mo na lahat para matapos na!".
Siguro depende yun kung nasaan kang sitwasyon... Depende sa pinagdadaan ('wag tambayan) mo.
Ganito pala ang pakiramdam ng pamilya ng mga ofw, yung pinipigilan mo s'yang umalis pero kapag ganito na ang linya nya "kailangan", "mabilis lang ang dalawang taon", "mas makakaipon tayo", tatango ka na lang kahit ayaw mo pa rin... At sa puntong to hindi mo alam kung gusto mong pabilisin ang oras para makaalis na sya at matapos na ang dalawang taon (kasama ng theme song nyong magkabilang mundo ni jirah lim), at muli ng makasama ang isat-isa ... O pababagalin mo ba ang oras para makaipon pa ng mas maraming memorya na babaunin nyo parehas bago ang mahabang paghihintay...
Pero ang totoo... Kahit ano ang hilingin ko, bumagal o bumilis, wala naman akong magagawa, hindi naman nakadepende sakin ang oras... Ang tangi ko lang magagawa ay maghintay at umasa na magiging maayos ang lahat... At habang wala pa habang nandito ka pa, habang nahahawakan at nayayakap pa kita, pwede bang akin ka muna?!?
Subscribe to:
Posts (Atom)