Iba't iba ang pagtrato ng bawat isa sa oras, meron gustong pabagalin, meron gustong pabilisin! ... Siguro kung ikaw ang nakikinig sa mga hiling nila malilito ka sa kung sino ang pagbibigyan!
Ako, hindi ko alam kung gusto ko bang pabagalin o pabilisin ang oras... Minsan gusto kong pabagalin para mas makasama pa kita ng matagal... Minsan gusto kong pabilis para matapos na ang paghihintay...
Parang malakas na bagyo na alam mong paparating, minsan sasabihin mo "wait lang 'wag muna!", yung iba naman "sige ibuhos mo na lahat para matapos na!".
Siguro depende yun kung nasaan kang sitwasyon... Depende sa pinagdadaan ('wag tambayan) mo.
Ganito pala ang pakiramdam ng pamilya ng mga ofw, yung pinipigilan mo s'yang umalis pero kapag ganito na ang linya nya "kailangan", "mabilis lang ang dalawang taon", "mas makakaipon tayo", tatango ka na lang kahit ayaw mo pa rin... At sa puntong to hindi mo alam kung gusto mong pabilisin ang oras para makaalis na sya at matapos na ang dalawang taon (kasama ng theme song nyong magkabilang mundo ni jirah lim), at muli ng makasama ang isat-isa ... O pababagalin mo ba ang oras para makaipon pa ng mas maraming memorya na babaunin nyo parehas bago ang mahabang paghihintay...
Pero ang totoo... Kahit ano ang hilingin ko, bumagal o bumilis, wala naman akong magagawa, hindi naman nakadepende sakin ang oras... Ang tangi ko lang magagawa ay maghintay at umasa na magiging maayos ang lahat... At habang wala pa habang nandito ka pa, habang nahahawakan at nayayakap pa kita, pwede bang akin ka muna?!?
No comments:
Post a Comment