Saturday, May 29, 2010

Alaala ng kahapon (kinder)

Tagalog para mas madaling isulat at intindihin...para sakin...


Wala naman kasing ibang mag babasa ng blog na to kundi ako.   Pero anong malay ko baka sakaling mag ka interes ka... yan ay sa mundo ... ng mga 'malay'  .....


Matagal ko ng kasing gustong sumulat ng libro at tawaging manunulat, pero dahil sa kawalan ng oras, inaanay na ang mga salita at pahina sa utak ko. Sana... sana maimbento ang mind recorder, para iniisip mo pa lang maii-record mo na.  Mahirap din kasing sabayan ang mga naglalarong salita at istorya sa utak ko, mas bibilis sila kesa sa lapis at papel ko.


Ang mga kwentong nabubuo ay base lamang sa mga nakikita ko at nakikita nya, nararamdaman ko at nararamdaman nya, nararanasan ko at sa nararanasan nya ( madalas akin din to pero di ko aaminin kung alin alin dito ).


Matagal ang oras na ginugugol ko sa byahe patungo sa trabaho at syempre pauwi sa bahay.  Kaya habang nakaupo sa malamig na bus (aircon.. sosyal!)  naglalakbay kasabay ng bus ang utak ko... mas malayo nga lang... sa sobrang layo nauuwi sa literal na tinatawag  na panaginip. Yung tipong "Manong, Sa Tabi Na Lang PO"  pagkababa maghihintay ng konti (para hindi halata) tapos tatawid sa kabila sasakay ulit... lampas na pala haha..


Dahan-dahang umuusad ang bus.. (trapik)... at unti unting magsisimula ang kwento ng buhay ko...


Wala ako masyadong maalala nung ipanganak ako hanggang mag kinder...(ikaw ba meron???).. pero kahit papano base sa birth certificate at mga litrato ko (daw) masasabi kong ipinanganak nga ako bilang isang tao....(promise..!)


Sa CWL ako nag-kinder, wala akong kamuwang-muwang sa paligid ko, wala din ata akong paki alam sa mga subjects ko, dahil nung minsang makita ko ang classcard ko naihagis ko ata sa basurahan.  Sa pagkakaalam ko ito dapat ang panahon kung saan Excited ang bawat bata sa pag-aaral. Unang beses magbabasa,  mag-susulat, at magbibilang,  mag-papakitang gilas  para patunayang may karapatan ng pumasok sa elementarya.  Pero wala yata ito sa sistema ko,  hindi ko maalala kung ano-ano ang mga nangyari nun, pero pinatunayan ng grado ko ang mga munti..(buti nga hindi wala) kong natutunan.  Hindi ko alam kung bakit kailangan bigyan ng mabababang grado ang mga bata sa ganitong edad, hindi ata tama...


Hindi ko makakalimutan ang huling oral exam sa math subject.  Dito ko natutunan ang silbi ng mga daliri sa paa.  Isa-isang tinawag ni teacher ang mga kaklase ko... syempre ako na ...kinakabahan... una madali lang 1 plus 1 ... 5 plus 4 tapos ...10 plus 5...(o di ba, damay-damay na lahat ng daliri) pinaka malupet... 10 plus 10... pagkatapos ng exam naisip ko ... maswerte yung mga classmate kong may anim na daliri sa isang paa o kamay... nasagutan nila yung ... 10 plus 11...


Isa pang malupet na pangyayari... isa lang ata ako sa 1% ng kabataang nakaranas ng ganito... uwian na ... tingin sa kanan, tingin sa kaliwa... walang pamilyar na mukha ... baka late lang...
Kasama ko ang pinsan ko, sabay kami nag- kinder pero mas matanda ako ng anim na buwan sa kanya.  Malayo ang bahay namin sa eskwelahan hindi pwedeng lakarin at maraming kalsadang dapat na tawirin.  Gustuhin man naming umuwi, hindi kami paaalisin ng bantay, kung walang sundo...
hintay... hintay... hintay...
Nalinis na ata ng nagbabantay sa amin ang buong eskwelahan, pero wala pa din ang sundo namin.... hintay... hintay... hintay pa rin... hapon na... (pang-umaga ang klase namin...). 
Mabuti na lang at mabait ang babaing nagbabantay sa amin at hindi kami iniiwan (salamat po... ). 
Alas kwatro, hay salamat may nakapansin din na hindi pa pala kami nakakauwi... dumating ang nanay ko ... hindi sya ang nakatokang sumundo samin, may pasok kasi sya at alas dos ng hapon ang labas nya ng opisina... mga alas tres sya makakarating sa bahay... syempre sya na isang mabuting ina ang unang nakapansin na wala pa ang paborito nyang anak ( ako yun!!!) ... kung ikaw sya, ano ang mararamdaman mo? .... nagmamading bumaba ng tricykel iginala ang mga mata .... sa wakas sa isang sulok sa tapat ng simbahan (sa gilid kasi ng eskwelahan ay may simbahan) nya kami natagpuan .... syempre makaka- uwi na rin ang mabait at matiyagang babae na walang sawang nag bantay samin ... sikreto ito nung mga oras na kasama namin ang mabait na babae naisip kong isa syang witch na pagkatapos nyang maglinis sa eskwelahan at wala pa ang sundo namin ay dadalhin na nya kami sa bahay nya at gagawing pulutan... buti na lang at isa pala talaga syang angel...muli salamat po sa inyo..(di ko na talaga maalala ang pangalan nya, basta morena sya medyo mataba at may malaking nunal sa mukha).


Hindi ko rin maalala kung sa musmos kong pag-iisip e nagka-crush na ko, pero kung alam ko lang na ang lalaking mananatili sa panaginip ko (at mananatiling hanggang dun lang) hanggang ngayon ay sa yugtong ito ng buhay ko nakilala... makikilala(high school ko na ulit kasi sya nakita at nagpatibok sa puso ko) ... sana mas naging masaya ang mga alaala ng pagiging-kinder!!!

Teka, masyado ata akong na-aliw...

"Manong, sa tabi na lang po"... pagkababa maghihintay sandali, tatawid sa kabila at sasakay ulit...

Lampas nanaman .....

No comments:

Post a Comment