Sa bawat hinto ng bus, nagigising ako ... ayoko na kasing lumampas ...
Sa kabila ng puro palakol kong grado nung kinder, pinayagan naman akong umakyat ng entablado ...
Sa loob ng simbahan sa gilid ng eskwelahan ginanap ang graduation ceremony. Base sa mga larawang kupas, masaya naman ako. May picture habang nakapila sa labas ng simbahan, picture papasok ng simbahan, picture sa loob ng simbahan, picture habang inaabot ang diploma, picture habang nakikipag kamay... puro picture ... lang... wala kasi akong ibang maalala kaya ang kwento nakabase lang sa mga larawang niluma na ng panahon ...
Sa pagkakaalam ko kami na rin ang huling batch ng kinder na nagtapos sa paaralang iyon. Na-trauma ata dahil sa dalawang batang muntik nang kalimutan ng mundo.
Next Stage: Elementary
Hindi rin ganun karami ang naaalala ko sa parteng ito ng buhay ko, pero isusulat at ibabahagi ko na rin bago ko pa tuluyang makalimutan.
Marami sa mga alaala ay para lang kinunan sa isang digital kamera na mababa na ang pixel wala pang zoom.
Sa mababang paaralan ng elementarya ako ipinasok ng magulang ko. Ang paaralang nakatayo sa kabilang dulo lang ng luma kong pinasukan. Kung galing ka sa rotonda at sasakay ka ng trycikle papunta sa school, kakanan ka sa unang kanto pag lagpas ng riles ng tren, 'yan ay kung sa kinder school ka pupunta, pero kung sa elementary school, kakaliwa ka lang ... ganun kadaling marating ... kung nasa rotonda ka ...
Kaso, wala sa rotonda ang bahay namin, at para makarating ng rotonda, galing sa amin, maglalakad ka papuntang sakayan ng tricykel, syempre sasakay ka, pag baba mo sasakay ka naman ng jeep, at pag baba mo sa jeep maglalakad ka ulit at tatawid ng may kung ilang beses bago ka pa makakarating sa sakayan ng tricykel na nasa rotonda, at yun na... malapit ka na sa eskwelahan ...
Madali lang di ba?... iyan ay kung tao ka na... grade 1 pa lang po ako...
Hindi ko na kasabay mag-aral ng grade 1 ang pinsan ko, kinailangan kasi nyang mag kinder2 dahil sa edad nya. Kaya mag - isa akong papasok sa mas boring na mundo ng elementarya.
Kinailangan ko na ring mag-service para wala ng diskusyon sa kung sino ang maghahatid, at para hindi na rin maulit ang nangyari nung kinder pa ako. Dito ko nakilala ang una kong naging bestfriend, si Angie.
Sa bahay nila kami madalas manood ng 'Princess Sarah: ang munting prinsesa' , ng matapos ang kwento ng isang batang prinsesa sinundan naman ito ng kwento ng isang batang prinsipe na pinamagatang 'Cedie: ang munting prinsipe'. Kung magkikita kaya ang dalawang batang ito magkaka gusto kaya sila sa isat isa? ...
Maaga kasi ako umaalis ng bahay para siguradong hindi ako maiiwan ng service, pagalis ng bahay dederetso na ko kina Angie para duon manood ng tv, hindi po dahil wala kaming tv, masyado ko lang paborito ang kwento ni princess Sarah, pero kung sa bahay ako manonood maiiwan ako ng service, kailangan ko pa rin kasing sumakay ng tricykel bago makarating sa sakayan ng service... (kailangan talaga mag-explain???)... Bayani ang pangalan ng driver namin, sya ang madalas na tumatawag samin ni Angie pag aalis na ang service.
Ikalawang baitang .... (oops .... hindi po ako accelerated, imposible po iyon base sa mga grado ko nung kinder. Wala pong unang baitang dahil wala po akong maalala sa panahong iyon period. )
May mangilan-ngilang alaala sa panahong ito na nananatili sa munti kong kautakan tulad ni Joseph... ang lalaking ... hmmm ... basta lalake sya.
Sa raw three ako nakaupo sa unahang upuang gawa sa sa kahoy at pang-dalawahan . Hindi po base sa grado ang ayos ng upuan namin base po ito sa tangkad... promise!!!... Pangatlo ako sa pinakamatangkad (kabaliktaran po) kaya sa unahan ng raw three ako nakaupo. Isang lalake at isang babae ang magkatabi sa upuan, hindi naman dahil sa match-maker ang teacher ko. Ayon sa kanya, at base siguro sa karanasan nya, mas maingay at mas magulo ang klase kapag parehas na kasarian ang magkatabi...hmmm ...oo, nga naman,... tsismisan, umaatikabong kwentuhan at rambulan ng mga grade two pupils... Ayos!!!
Balik tayo kay Joseph, mukha syang hapon kung titignan, hindi ko sya katabi, sya ang lalaking nakaupo sa likod ko na katabi ng bespren kong si Angie (klasmeyt ko si Angie mula grade 1 hanggang grade 3). Uwian na, pero hindi pa kami maka-uwi, wala daw uuwi hanggat hindi kami tumatahimik. Walang imikan lahat busy kakatitig sa kanya kanyang lamesa. Yung iba nakatungo, pero si Joseph busy kakasulat sa notebook nya, at si bespren busy din kakasilip sa pinagkakaabalahan ng katabi nya. May biglang kalabit sa balikat ko, tingin ako sa likod si bespren nagpipigil ng tawa tinuturo ang ginagawa ng katabi nya, ... walah! ... pangalan ko at pangalan nya may puso sa gitna. Ay sus! wala talagang magawa ang mokong! dahil bawal mag-ingay apat lang kaming nakaalam ako,si bespren, katabi ko at si hapon. Sa sobra kong kahihiyan gusto ko syang ilubong sa kinauupuan nya.
Wala naman akong maalalang naganap na tuksuhan, hindi ko naman type si hapon, and dahilan kung bakit hindi ko sya makakalimutan ay dahil sa isang bagay na itinuro nya sa akin...
Ang isulat ang pangalan ng crush mo lagyan ng puso sa gitna tapos isulat ang pangalan mo. Sa ganitong paraan lalabas na yung crush mo ang may gusto sayo, O diba ... ang sarap sa pakiramdam.
Sa ganitong edad at estado ko rin nalaman na ibat-iba pala ang relihiyon at paniniwala ng tao sa Diyos.
Christmas Party: Syempre bawat bata may dalang regalo, pinalagay ni titser ang dala naming regalo sa lamesa sa harapan, ang lahat naman ng upuan ay nasa gilid ng classroom... meron na kaming center stage... Nilagyan ni titser ng numero ang bawat regalo, pinabunot nya kami ng papel na nasa chalk box , ang bawat papel ay may nakasulat ding numero, at sa ayaw at gusto mo ang regalong makukuha mo ay yung kaparehas ng numerong nabunot mo. Sabay-sabay nagbukas ng regalo ang mga batang paslit, may biglang umiyak, sando ng babae kasi ang nakuha nya (lalake po sya), kaya kinuha ni titser ang sando at pinalitan ng kotsekotsehang kinuha din nya sa isang klasmeyt kong babae. Wala naman akong angal sa nakuha kong frame na may imahe ni Jesus, pero wala akong kalaban-laban ng kunin sakin ni titser si Jesus at ipagpalit ng isang pirasong panyo set (panyo,suklay at salamin) at ibigay sa klasmeyt kong sariling regalo ang nakuha. Sinabi sakin ni titser na Iglesya naman daw ako kaya panyo set na lang ang sa akin, hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin, ang akala ko ang ibig sabihin ng Iglesya ay salbahe kaya hindi bagay sakin ang imahe ni Jesus, naawa naman ako sa klasmeyt ko dahil iiyak na din sya, pero mas natakot ako sa titser ko kung papalag ako.
Pagdating sa service kanya kanyang pakitaan ng nakuhang regalo, pinakita ko ang panyo set ko, natuwa naman sila pero napansin ni mang Bayani na malungkot ako, sinabi ko sa kanya ang totoo na hindi naman talaga iyon ang regalo ko, ipinagpalit lang ni titser dahil Iglesya (salbahe- ayon sa description ko ng mga oras na yun) daw ako. Huwag na daw ako malungkot, maganda naman daw yung panyo set ko, at buti nga daw may nakuha ako. Sa puntong iyon ko lang napansin na may humahagulgol palang isang paslit sa loob ng jeep, wala kasi syang natanggap kahit ano, mahal pa naman daw yung niregalo nya.
Christmas party ang huling araw ng mga mag-aaral sa eskwelahan, hudyat ito ng isang mahaba-habang bakasyon. Next year na ulit ang balik!!!
"Manong, sa tabi na lang po"
"Manong, para po"
"MANONG BABABA NA PO AKO!!!"
haaay, lumampas pa rin ...
Thursday, June 3, 2010
Saturday, May 29, 2010
Alaala ng kahapon (kinder)
Tagalog para mas madaling isulat at intindihin...para sakin...
Wala naman kasing ibang mag babasa ng blog na to kundi ako. Pero anong malay ko baka sakaling mag ka interes ka... yan ay sa mundo ... ng mga 'malay' .....
Matagal ko ng kasing gustong sumulat ng libro at tawaging manunulat, pero dahil sa kawalan ng oras, inaanay na ang mga salita at pahina sa utak ko. Sana... sana maimbento ang mind recorder, para iniisip mo pa lang maii-record mo na. Mahirap din kasing sabayan ang mga naglalarong salita at istorya sa utak ko, mas bibilis sila kesa sa lapis at papel ko.
Ang mga kwentong nabubuo ay base lamang sa mga nakikita ko at nakikita nya, nararamdaman ko at nararamdaman nya, nararanasan ko at sa nararanasan nya ( madalas akin din to pero di ko aaminin kung alin alin dito ).
Matagal ang oras na ginugugol ko sa byahe patungo sa trabaho at syempre pauwi sa bahay. Kaya habang nakaupo sa malamig na bus (aircon.. sosyal!) naglalakbay kasabay ng bus ang utak ko... mas malayo nga lang... sa sobrang layo nauuwi sa literal na tinatawag na panaginip. Yung tipong "Manong, Sa Tabi Na Lang PO" pagkababa maghihintay ng konti (para hindi halata) tapos tatawid sa kabila sasakay ulit... lampas na pala haha..
Dahan-dahang umuusad ang bus.. (trapik)... at unti unting magsisimula ang kwento ng buhay ko...
Wala ako masyadong maalala nung ipanganak ako hanggang mag kinder...(ikaw ba meron???).. pero kahit papano base sa birth certificate at mga litrato ko (daw) masasabi kong ipinanganak nga ako bilang isang tao....(promise..!)
Sa CWL ako nag-kinder, wala akong kamuwang-muwang sa paligid ko, wala din ata akong paki alam sa mga subjects ko, dahil nung minsang makita ko ang classcard ko naihagis ko ata sa basurahan. Sa pagkakaalam ko ito dapat ang panahon kung saan Excited ang bawat bata sa pag-aaral. Unang beses magbabasa, mag-susulat, at magbibilang, mag-papakitang gilas para patunayang may karapatan ng pumasok sa elementarya. Pero wala yata ito sa sistema ko, hindi ko maalala kung ano-ano ang mga nangyari nun, pero pinatunayan ng grado ko ang mga munti..(buti nga hindi wala) kong natutunan. Hindi ko alam kung bakit kailangan bigyan ng mabababang grado ang mga bata sa ganitong edad, hindi ata tama...
Hindi ko makakalimutan ang huling oral exam sa math subject. Dito ko natutunan ang silbi ng mga daliri sa paa. Isa-isang tinawag ni teacher ang mga kaklase ko... syempre ako na ...kinakabahan... una madali lang 1 plus 1 ... 5 plus 4 tapos ...10 plus 5...(o di ba, damay-damay na lahat ng daliri) pinaka malupet... 10 plus 10... pagkatapos ng exam naisip ko ... maswerte yung mga classmate kong may anim na daliri sa isang paa o kamay... nasagutan nila yung ... 10 plus 11...
Isa pang malupet na pangyayari... isa lang ata ako sa 1% ng kabataang nakaranas ng ganito... uwian na ... tingin sa kanan, tingin sa kaliwa... walang pamilyar na mukha ... baka late lang...
Kasama ko ang pinsan ko, sabay kami nag- kinder pero mas matanda ako ng anim na buwan sa kanya. Malayo ang bahay namin sa eskwelahan hindi pwedeng lakarin at maraming kalsadang dapat na tawirin. Gustuhin man naming umuwi, hindi kami paaalisin ng bantay, kung walang sundo...
hintay... hintay... hintay...
Nalinis na ata ng nagbabantay sa amin ang buong eskwelahan, pero wala pa din ang sundo namin.... hintay... hintay... hintay pa rin... hapon na... (pang-umaga ang klase namin...).
Mabuti na lang at mabait ang babaing nagbabantay sa amin at hindi kami iniiwan (salamat po... ).
Alas kwatro, hay salamat may nakapansin din na hindi pa pala kami nakakauwi... dumating ang nanay ko ... hindi sya ang nakatokang sumundo samin, may pasok kasi sya at alas dos ng hapon ang labas nya ng opisina... mga alas tres sya makakarating sa bahay... syempre sya na isang mabuting ina ang unang nakapansin na wala pa ang paborito nyang anak ( ako yun!!!) ... kung ikaw sya, ano ang mararamdaman mo? .... nagmamading bumaba ng tricykel iginala ang mga mata .... sa wakas sa isang sulok sa tapat ng simbahan (sa gilid kasi ng eskwelahan ay may simbahan) nya kami natagpuan .... syempre makaka- uwi na rin ang mabait at matiyagang babae na walang sawang nag bantay samin ... sikreto ito nung mga oras na kasama namin ang mabait na babae naisip kong isa syang witch na pagkatapos nyang maglinis sa eskwelahan at wala pa ang sundo namin ay dadalhin na nya kami sa bahay nya at gagawing pulutan... buti na lang at isa pala talaga syang angel...muli salamat po sa inyo..(di ko na talaga maalala ang pangalan nya, basta morena sya medyo mataba at may malaking nunal sa mukha).
Hindi ko rin maalala kung sa musmos kong pag-iisip e nagka-crush na ko, pero kung alam ko lang na ang lalaking mananatili sa panaginip ko (at mananatiling hanggang dun lang) hanggang ngayon ay sa yugtong ito ng buhay ko nakilala... makikilala(high school ko na ulit kasi sya nakita at nagpatibok sa puso ko) ... sana mas naging masaya ang mga alaala ng pagiging-kinder!!!
Teka, masyado ata akong na-aliw...
"Manong, sa tabi na lang po"... pagkababa maghihintay sandali, tatawid sa kabila at sasakay ulit...
Lampas nanaman .....

Thursday, November 12, 2009
Superman
Sumali ako sa isang kilusan,
Duon ko nakita si superman.
Simpleng kasama lang ang
aming turingan,
Di ko namalayang nahulog ang
aking kalooban.
Nababaliw na yata kakaisip
sa kanya,
Pati paniniwala ko naapektuhan
na nya.
Natatakot namang sabihin sa kanya,
Dahil baka pagtawanan lang nya.
Kailan kaya darating panahong
aking inaasam,
Makasabay sa pag-lipad
ang aking superman.
*unang isinulat 12/24/99
-sa bahay ni blue
Duon ko nakita si superman.
Simpleng kasama lang ang
aming turingan,
Di ko namalayang nahulog ang
aking kalooban.
Nababaliw na yata kakaisip
sa kanya,
Pati paniniwala ko naapektuhan
na nya.
Natatakot namang sabihin sa kanya,
Dahil baka pagtawanan lang nya.
Kailan kaya darating panahong
aking inaasam,
Makasabay sa pag-lipad
ang aking superman.
*unang isinulat 12/24/99
-sa bahay ni blue
kay sarap paanod
sa alon nhg dagat,
At duo'y magpakalunod
kasama ng malalaking isda.
Habanng may mga isdang,
pipi't bingi sa katotohanan.
Kailan kaya muling
dadaong sa dalampasigan
At duon ay maki-isa,
sa pakikipaglaban,
Kasama ng panalanging,
Huwag nang magbalik,
sa maitim at maruming laragatan.
*unang isinulat 3/25/99
sa alon nhg dagat,
At duo'y magpakalunod
kasama ng malalaking isda.
Habanng may mga isdang,
pipi't bingi sa katotohanan.
Kailan kaya muling
dadaong sa dalampasigan
At duon ay maki-isa,
sa pakikipaglaban,
Kasama ng panalanging,
Huwag nang magbalik,
sa maitim at maruming laragatan.
*unang isinulat 3/25/99
Friday, September 18, 2009
Rape
Sinabi mong langit ang pupuntahan,
'yun pala'y impiyerno ang mararanasan.
Eliganteng hotel, iyong pinagdalhan,
Kung saan ako'y iyong hinubaran.
Hinawakan mo'ng aking kabukiran,
Pinagsawaan mo'ng aking kabundukan.
At matapos mong gawin, lahat ng iyong naisin,
Iniwan mo akong nangangapa sa dilim.
At ngayon ika'y nagbabalik sa akin,
Dala mong pangako'y umaapoy na langit,
At dahil katawa'y may bahid pa ng sakit,
Hindi nagawang hadlangan ang 'yong nais.
Gapos na matagal mo nang inilagay,
Ngayo'y pinahihigpit pang pilit,
Upang kalayaa'y di na mabawi,
Sa kuko mong ubod ng tulis.
*unang isinulat 6/6/99 panahon ng ratipikasyon ng vfa(visiting forces agreement)

Tuesday, September 15, 2009
huling tatlumpung araw
Anong magiging reaksyon mo kung pagkatapos ng lahat ng laboratory exams mo sasabihin ng doktor mo...
" Mam, you only have 1 month to live, ginawa na po namin lahat ng magagawa namin pero hanggang dun na lang po talaga"
Matatawa ka ba? matutulala? Iiyak hanggang sa hikain ka at hindi na abutan ng isang buwan...?
Pero ang ending ... lalabas ka ng ospital at hindi mo alam kung anong dapat maramdaman mo...
"BATA pa ko!, HINDI PA PWEDE!!!"
"Sino ba sya para sabihing mamamatay na ko?"
"Sino ba ko para sabihing hindi pa pwede?"
"Mabait naman ako ha, mabuting tao?!"
"Marami pa kong gustong maranasan....
"tulad ng ano?"
"ewan ko.... buong buhay ko eskwelahan - bahay, trabaho-bahay,siguro yung kakaiba naman....
tulad ng DROGA? , ALCOHOL?, YOSI?, WILD SEX? ....
"Siguro nga kung isang buwan na lang ako mabubuhay ito ang masarap subukan , ito ang masarap gawin.... lahat ng bawal.... lahat ng mali.... di ba nga kung ano yung bawal yun ang masarap!?!..... drugs...yosi...alcohol...lahat ng klase iba iba araw-raw .... sex??? sige GO na rin, kahit sino basta game...."
at pagkatapos ng tatlumpung araw?
"ANO???"
" ano pa edi mamamatay na ko... tapos?"
"Tapos haharap ako sa anak ng dakilang lumikha ( kung totoo man sya) at ito ang sasabihin ko sa kanya...
"Tol, ipinagpapasalamat ko sayo ang huling tatlumpung araw ko sa lupa, dahil kung hindi sayo... kung hindi sa pagpapakasakit mo sa lupa ... sa pagpapapako mo sa krus na naging dahilan sa pagtubos mo sa lahat ng kasalanan, wala ako dito.... tol, salamat talaga!"
"Ano kaya isasagot nya sakin?"
"Siguro....."
"TANGINA MO!!!"
;)
Subscribe to:
Posts (Atom)